Add parallel Print Page Options

24 Nang(A) makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at malamang pa'y magkagulo, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa dugo[a] ng taong ito. Ito'y pananagutan ninyo!” sabi niya.

25 Sumagot naman ang mga tao, “Pananagutan namin at ng aming mga anak ang dugo[b] niya.”

26 Pinalaya nga ni Pilato si Barabbas at ipinahagupit naman si Jesus. Pagkatapos, ibinigay siya sa kanila upang ipako sa krus.

Read full chapter

Footnotes

  1. 24 dugo: o kaya'y pagkamatay .
  2. 25 dugo: o kaya'y pagkamatay .